• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaabang-abang ang role niya sa ‘Senior High’: SYLVIA, pinayuhan si ANDREA lalo na sa mga bashers

SA celebrity screening ng newest primetime series ng ABS-CBN na ‘Senior High’ na hatid ng Dreamscape Entertainment, may pasilip na ang character ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez.

 

Gaganap siya bilang isang security guard sa school na kung saan nag-aaral ang kambal na sina Luna at Sky na ginagampanan ng ‘next important star’ at ‘future drama princess’ ng Kapamilya Channel na si Andrea Brillantes.

 

Bida rin sa serye sina Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat.

 

After ng screening ng three episodes, nagkaroon ng presscon. Natanong si Sylvia kung bakit niya tinanggap ang naturang role na base naman sa patikim ay mukhang may lalim at malaki ang magiging kaugnayan sa mga batang bida ng mystery-thriller series, na kapupulutan ng mga aral.

 

“Malaki ‘yung role na ‘yun,” pag-amin niya.

 

“After ng HKM (Huwag Kang Mangamba), sinabi ko papahinga muna ako (paggawa ng teleserye). So ginawa ko yun, years akong nagpahinga.

 

“May mga offers naman na dumating, tinanggihan ko.

 

“Kasi pare-pareho na nanay, ganun. Gusto ko naman na ma-break ‘yung ganoon, na maiba ‘yung role ko.”

 

Dagdag pa niya, “So after 2 years, eto dumating itong role na ito na si Lydia na isang security guard. Tinanggap ko na walang pag-aalinlangan.

 

“Kasi after HKM, pinagkatiwalaan ako ng Dreamscape ng panibagong magandang role.

 

“Security guard siya, pero huwag lang siyang sinasabihan na security guard lang.

 

“Kasi ang security guard na ‘yun, ‘pag pumutok, tatahimik ang lahat,” pahayag pa ni Sylvia, na for sure, mamahalin din ng mga SG dahil sa naturang pagganap.

 

Samantala, nagbigay naman siya ng payo sa kanyang anak-anak na si Andrea, na nakasama rin niya sa ‘Huwag Kang Mangamba’.

 

Sobrang insecure pala ito dati at patuloy pa ring nakatatangap ng pamba-bash.

 

“Noong sinasabi ni Blythe na sobrang down siya, nandoon ako, nandoon ang pamilya ko. Nakita ko yun,” pagsisilawat ni Ibyang.

 

“So ngayon, tuwang-tuwa ako, sa nakikikita ko ngayon sa ‘yo. Di ba, sabi ko sa ‘yo ‘nak dati, maging matapang ka sa mundong ito. Kasi walang ibang tutulong sa ‘yo, kundi sarili mo lang.

 

“Nandyan ang barkada, na puwedeng sabihan, nandyan ang pamilya. Pero ‘di ba sinasabihan kita na, iiyak mo lang sa Diyos, kung ano mang pasakit ang nararamdaman mo.

 

“Ang bashers, ‘wag mong intindihin, bashers lang yan. Maganda man o pangit ang gagawin mo, nandyan sila, mananatili silang bashers. Wala silang kuwenta sa buhay natin.”

 

Dagdag rebelasyon pa ni Ibyang, “dati kasi sinasabi niya sa sarili niya na, ‘tita hindi po ako maganda’. Pero nakita ko siya noong bata sa siya, (8 years old sila ng magkasama ni Arjo (Atayde) sa ‘E-boy’), ang ganda-ganda niya.
“Tapos, ‘yung kumpiyansa sa sarili niya, kulang na kulang noon. Kaya ang sabi ko, ‘Blythe, maganda ka, magaling at matalino ka, kaya laban lang.

 

“Kaya ngayon, kung ano man ang nangyayari sa ‘yo, ang layo na ng Blythe na nakilala ko noong 8 years, sa Blythe ngayon, dahil ino-obserbahan kita. Kaya natutuwa ako.

 

“Palagi kong sasabihin sa ‘yo, na ang lakas ng loob, tapang at tiwala sa sarili, dalhin mo ‘yan palagi.”

 

Hirit pa ng mommy ni Gela Atayde na introducing sa ‘Senior High’, “at ‘pag may nagsabi sa ‘yo na pangit ka, at hindi ka magaling umarte, ako ang magsasabi sa kanila ng diretso, dahil mas maganda talaga siya.

 

“Saka tandaan mo ‘to, kahit tumanda ka pa, isang tawag mo lang sa akin, kay Gela, kay Tita Art, sa pamilya Atayde, nandoon kami, kahit na anong oras, kahit tulog kami, tatakbuhin ka namin.”

 

At dahil sa magagandang sinabi ni Sylvia, naging emosyonal nga ang bida ng ‘Senior High’ na nagsimula nang mapanood, Lunes hanggang Biyernes, ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

(ROHN ROMULO)