K-Pop Group RED VELVET, BINI, LADY PIPAY, at BGYO bibida sa advocacy concert na ‘Be You! The World Will Adjust’
- Published on June 27, 2022
- by @peoplesbalita
HANDA na ang lahat para sa espesyal na advocacy concert na hangarin ang i-promote ang mental health awareness para sa mga taong may special needs na pinamagatang Be You! The World Will Adjust (An Extraordinary Celebration For People With Special Needs) sa Hulyo 22 (Biyernes, 7:00 p.m.) sa SM Mall Of Asia Arena at ito ay inisyatibo ng Purpose International Training Institute Inc.
Gumagawa at nagbibigay ang In Purpose International Training Institute Inc. ng mga tutorial trainings nan aka-sentro sa mga programa para sa skill development at special education para sa mga taong mayroong special needs.
Sa pamamagitan ng kanilang tagline na #YesToInclusion, layunin ng event na ito ang ipagdiwang ang diversity, individuality, at kalayaan ng self-expression lalo na sa mga taong may special needs.
Nais ng event na lumikha ng isang bukas at ligtas na espasyo para ma-express ng lahat ang kanilang mga sarili at ipagdiwang ang buhay lalong-lalo na sa gitna ng mahirap na buhay dulot ng pandemya.
Mula ito sa direksyon ni Alex Magbanua, bida sa concert na ito na talaga namang spectacular ang show ang mga powerhouse artists gaya ng Korean all-girl pop group na Red Velvet kasama ang mga homegrown Pinoy artists gaya
ng BGYO, Bini, Aeron Mendoza, at Lady Pipay.
Ipapakita din sa concert ang mga inspiring testimonials na nag-aangat sa mga experiences ng mga taong may special needs.
(ROHN ROMULO)