Joy Belmonte at Tzu Chi foundation, umayuda sa mga jeepney drivers sa Quezon City
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at ng mga opisyal ng Taiwanese NGO na Tzu Chi foundation ang pamamahagi ng bigas at grocery items sa may 2,500 jeepney drivers ng Quezon City.
Sa isang simpleng seremonya sa QC Hall kahapon, sinabi ni Mayor Belmonte na malaking tulong ang kaloob na ayuda sa mga jeepney drivers para mabawasan ang problema ng mga ito sa gastusin sa pagkain.
Anya, 20 kilo ng bigas at mga grocery items ang kaloob sa bawat miyembro ng QC Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) na ibinigay na ayuda ng naturang foundation.
Sinabi ni Mayor Belmonte na ang relief goods ay ipagkakaloob ng foundation sa mga benepisyaryo sa loob ng tatlong buwan o mula ngayong Setyembre hanggang Nobyermbre.
Kaugnay nito, sinabi ni Mrs. Woon Ng, opisyal ng Tzu Chi foundation, ang benepisyaryo ng ayuda ay pinili ng samahan base sa naisumiteng talaan ng QC hall.