Jordan positibo sa Covid-19
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
UNITED STATES – Pakiramdam ng isang National Basketball Association (NBA) star ay timaan siya ng malas matapos magpositibo sa novel coronavirus isang buwan bago magsimula ang muling pagbubukas ng liga.
Ayon kay Brooklyn Nets star DeAndre Jordan na na-diagnosed siya na positibo sa Covid-19 ilang araw bago tumulak papuntang Florida para sumabak sa training camp.
Sinabi ni Jordan malabo na siyang makapaglaro sa pagbubukas ng liga sa July 31 (Manila time).
“Hindi ko akalain na magpositibo ako sa pangalawang confirmation,” ani ng 31-anyos na dating NBA All-Star sa kanyang social media account.
Hawak ng Nets ang pang-pitong pwesto sa NBA Eastern Conference kaya malaki ang posilibidad na makapasok sila sa playoffs.
Nitong nakaraang season ay kumakamada si Jordan ng average na 8 points at 10 rebounds.
Pitong manlalaro ng Nets ang hindi makakasali sa muling pagbubukas ng liga gaya nina Spencer Dinwiddle at Kevin Durant dahil sa novel coronavirus.