JOLLIBEE BINONDO, NILOOBAN
- Published on January 24, 2022
- by @peoplesbalita
NILOOBAN ng hindi nakilalang salarin ang isang sangay ng fast food chain sa Binondo, Maynila kamakalawa ng kagabi.
Sa ulat ng MPD-PS 11, alas 11:30 ng gabi ng pasukin ng suspek ang Jollibbee fastfood chain sa Quintin Paredes St., Binondo, Maynila.
Nakasuot ang suspek ng facemask, short, T-shirt ,may katamtamang pangangatawan at may taas na 5’4.
Sa imbestigasyon, natuklasan ang panloloob sa Jollibbee kaninang umaga lamang ganap na alas 7 nang pumasok ang store manager na si Hasnah Ali.
Agad umanong napansin ni Ali na bukas na ang kanilang opisina at nang silipin ang kuha ng CCTV sa loob ng establisyimento, nakita ang suspek na sapilitang binuksan ang fire-exit Kung saan siya pumasok.
Agad na nagtungo sa opisina at pwersahan din itong binuksan at naghanap ng maaring makukulimbat pero iniwan ang cash vault ng buo saka umalis.
Gayunman, nang magsagawa ng inventory ang general manager at store manager, nadiskubre na may limang coin bags ang nawawala.
Tinatayang aabot sa P37,500 ang nawawalang pera o kinita ng tindahan.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at follow up operation para sa ikadarakip ng suspek. GENE ADSUARA