Jobless Pinoy sumirit sa 2.16 milyon
- Published on March 7, 2025
- by Peoples Balita
TUMAAS nang may 2.16 milyon ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa pagsisimula pa lamang ng 2025 o nitong Enero, batay sa Philippine Statistics Authority’s (PSA) Labor Force Survey.
Sinabi ni Deputy National Statistician at PSA Assistant Secretary Divina Gracia del Prado, ang mga jobless individual ay may edad 15 pataas. Mas mataas ito sa 1.63 million unemployed individuals noong December 2024.
Sa naturang percentage, nasa 50.65 million Filipino sa labor force ang aktibong humahanap ng trabaho at pagkakakitaan sa naturang period. Ang bilang ng jobless persons para sa unemployment rate ay 4.3%, mas mataas sa 3.1% month-on-month.
Sa unemployment rate na 4.3% ay nangangahulugan na 43 sa bawat 1,000 indibidwal ay walang trabaho o walang pinagkakakitaan noong Enero 2025.
Bumaba rin ang mga taong may hanapbuhay sa nasabing panahon sa 48.49 milyon mula sa 50.19 milyon noong Disyembre 2024.
Sinabi naman ni Del Prado na karaniwang tumataas ang employment rate tuwing Disyembre dahil sa panahon ng Kapaskuhan at bumababa pagsapit ng Enero dahil sa pagbaba ng demand para sa mga manggagawa.