Jobless Pinoy, bumaba
- Published on July 10, 2025
- by @peoplesbalita
BUMABA ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa 2.03 milyon na lamang noong Mayo, mas mababa sa 2.06 milyon na naitala noong Abril.
Sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Claire Dennis Mapa, nangangahulugan ito ng pagbaba sa 3.9% noong Mayo 2025 kumpara sa 4.1% noong Abril 2025 at Mayo 2024.
Ang services sector ang nakakakuha ng pinakamalaking numero na may 61.8%, sinundan ng agrikultura na 21.1%, at sa industry na may 17.1%.
Samantala, bumaba rin ang bilang ng underemployed na mga Filipino o yung may trabaho na pero naghahanap pa ng karagdagang trabaho.
Nasa 6.60 milyon na lang ang underemployed noong Mayo, mas mababa sa 7.09 milyon noong Abril.
Isinagawa ang survey noong Mayo 8-28 sa 11,083 households sampled.