Jerson Cabiltes bagong head coach ng Emilio Aguinaldo College Generals
- Published on January 30, 2023
- by @peoplesbalita
NAKATAKDA nang dalhin ni Jerson Cabiltes ang kanyang coaching skills sa collegiate ranks.
Ito ay matapos siyang hirangin bilang bagong head coach ng Emilio Aguinaldo College Generals sa NCAA men’s basketball kapalit ni Oliver Bunyi.
Ang appointment kay Cabiltes ay dumating ilang linggo matapos lumutang ang kanyang pangalan sa bakanteng De La Salle University Green Archers.
Si Cabiltes ay naging two-time MPBL champion coach kasama ang Nueva Ecija Rice Vanguards, isang two-time Filbasket champion sa Manila at Nueva Ecija, at isang beses na VisMin Super Cup champion sa Basilan. (CARD)