• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 1:42 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jeepney driver, kinatok ni kamatayan

DUGUANG humandusay sa harap ng kanyang kinakasama ang katawan ng 34-anyos na jeepney driver matapos katukin at pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si alyas ‘John Bryan’ habang patuloy naman ang follow-up operation ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals sa posibleng pagkakaaresto sa mga suspek.

Sa nakarating na report sa tanggapan ni Col. Canals, dakong alas-2:10 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa 1431 Sampaloc Ext., Brgy., 178, Camarin.

Batay sa pahayag sa pulisya ng kinakasama ng biktima na si alyas ‘Geralyn’, nag-iinuman sila ng kanyang ka-live-in sa loob ng kanilang bahay nang may kumatok sa kanilang pinto at tinawag ang pangalan ng biktima.

Nang buksan ng biktima ang pinto, sinalubong siya ng putok ng baril na nagresulta ng agaran niyang kamatayan habang mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa Reparo Road, Camarin sakay ng isang motorsiklo.

Narekober ng mga tauhan ng NPD-FU sa crime scene ang dalawang basyo ng bala mula sa kalibre .45 pistol habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Inatasan na ni Col. Canals ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng back tracking sa mga CCTV sa lugar na maaring makatulong upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek. (Richard Mesa)