Japanese National, inaresto sa pagnanakaw
- Published on May 29, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa Tokyo sa kasong theft at robbery.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Nagaura Hiroki, 26 na inaresto sa Estrella Avenue sa Bgy. Poblacion, Makati City ng mga operatiba ng BI fugitive search unit.
“He was already placed in our immigration blacklist of undesirable aliens, thus he is perpetually barred from reentering the Philippines,” Tansingco added.
Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Hiroki ay nagtatago sa Pilipinas simula pa noong November 20, 2019 kung saan siya ay dumating bilang turista. Taong 2022 lamang ng ipaalam sa BI ang kanyang kaso sa Japan.
Si Hiroki ay may standing warrant of arrest na insiyu ng Tokyo Summary Court dahil sa kasong theft na isang paglabag sa Japanese penal code.
Ayon sa Tokyo policemen, nakipagsabwatan ang suspek sa isa pa upang makapagnakaw sa isang bahay sa pamamagitan ng pagpapakilala bilang isang police at makapasok sa loob upang mag-imbestiga hinggil sa ninakaw na ATM card.
“Further, he is being investigated by the Japanese authorities for his involvement in alleged telecommunications fraud activities,” ani Sy. GENE ADSUARA .