Japan, nag-alok na ng tulong sa Pilipinas
- Published on July 30, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-ALOK na ng tulong ang Japan sa Pilipinas sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na makita at mailigtas na ang mga posibleng naiipit na biktima ng 7.0 magnitude earthquake kamakalawa.
Ito ang inihayag ni Office of the Civil Defense Assistant Secretary Rafaelito Alejandro sa naging pag-uulat nito sa ginawang situation briefing kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ani Alejandro, ipinadaan ang alok na tulong sa Philippine International Humanitarian Assistance Cluster sa pangunguna ng Foreign Affairs Department (DFA).
Maliban sa naging alok na tumulong sa search, rescue and retrieval operation, nag-alok din ang Japan ng emergency supply.
Samantala, ang Philippine International Humanitarian Assistance Cluster ang siyang nagmomonitor sa mga offer of assistance mula sa ibang mga bansa. (Daris Jose)