• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JAMES JIMENEZ NG COMELEC, PUMANAW NA

PUMANAW na si James B. Jimenez, ang nagsilbing matagal nang tagapagsalita ng Commission on Election (Comelec).
Si Jimenez ay nagsilbi rin bilang Direktor V ng Education and Information Department ng Komisyon, na naglingkod sa institusyon at sa mamamayang Pilipino nang may integridad, kalinawan, at dedikasyon.

Ayon sa Comelec, may natatanging karangalan si Jimenez bilang pinakamatagal na nagsilbi at pinakabatang tagapagsalita sa gobyerno noong siya ay italaga.

Mula Hulyo 2006 hanggang Setyembre 2022, siya ang mukha at matatag na tinig ng Komisyon—nagpapaliwanag ng mga komplikadong proseso ng eleksyon nang may katumpakan, ipinagtatanggol ang mga institusyong demokratiko nang may mahinahon na tapang, at nakikipag-ugnayan sa mga mamamayan at media nang may respeto, katalinuhan, at transparency.

Sa maraming electoral cycle, si Jimenez ay nanindigan ng pampublikong impormasyon sa mga matinding pagsisiyasat at pambansang kahihinatnan.

Bukod sa kanyang papel bilang tagapagsalita, si Jimenez ay kilala sa kanyang mga kakilala sa kanyang intelektuwal na tiyaga, sense of humor at pagiging makatao—hindi kailanman nawawalan ng kabigatan sa papel.
(Gene Adsuara)