Ivermectin, hindi napatunayang may naibibigay na benepisyo para makagamot ng COVID-19
- Published on May 24, 2022
- by @peoplesbalita
INIHINTO na ang pag- aaral tungkol sa Ivermectin na una ng sinabing nagsisilbing gamot sa COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Task Force against COVID 19 Medical Adviser Dr Ted Herbosa na napatunayan na kasi sa mga pag- aaral na walang epekto ang naturang gamot sa COVID 19.
Sinabi ni Herbosa na wala aniyang ebidensiya na nakita ang mga eksperto patungkol sa una ng claim na nakakatulong ang Ivermectin para mapigilan o magpagaling sa isang indibidwal na tinamaan ng virus.
Kaya ang resulta, tigil na ang pag-aaral kasunod ng pruweba na walang pinagka-iba sa sinumang COVID patient na uminom nito kumpara sa hindi umiinom nito.
Ang Ivermectin ay ginagamit bilang gamot na pamurga at ginamit sa mga hayop. (Daris Jose)