Isyu ng Taiwan Strait, hindi maiiwasan na pag-usapan sa ASEAN Summit- PBBM
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI maiiwasan na mapag-usapan ng mga lider na dadalo sa 42nd ASEAN Summit ang isyu ng tensyon sa Taiwan Strait.
Inamin ng Pangulo na ang usaping ito ay “inevitable, unavoidable” at isang “grave concern” sa lahat ng member-states ng ASEAN.
“Parang inevitable, eh. Unavoidable ‘yung subject matter na ‘yun dahil pare-pareho na mga miyembro ng ASEAN. Siyempre, it is a grave concern to all the member-states of ASEAN,” ayon sa Pangulo nang tanungin kung tatalakayin ng Taiwan ang bagay na ito sa Summit.
“So it’s considering that we also agree on the concept of ASEAN centrality when it comes to regional concerns that will be one of the most important subjects that we’ll bring up,” dagdag na pahayag nito.
Tinuran pa ng Pangulo na ang isyu ng Taiwan Strait ay naging “point of discussion” na sa mahabang panahon na aniya’y may pangangailangan na i-calibrate ang mga hakbang para tugunan ito.
“The discussions on that we had goes to a year ago, in that time marami nang nagbago, many changes occurred, that it why we have to really calibrate whatever it is that we are planning,” ayon sa Chief Executive.
“So, yes, there’s no way around it. That will inevitably be a part of the conversation that we’ll be having tomorrow and the day after,” dagdag na wika ng Pangulo. (Daris Jose)