• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isko palalawakin urban farming ng Singapore sa Maynila

MASUSING pinag-aaralan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang advanced na teknolohiya ng urban farming ng Singapore na magsisilbing modelo upang mapalakas ang kakayahan ng Maynila sa pagkakaroon ng sapat na pagkain.
Napag-alamang bumisita si Domagoso sa Institute of Technical Education (ITE) College East Horticulture Technology Hub noong Huwebes ng umaga, Enero 15, bilang bahagi ng technical study sa urban planning at high-density food production.
Taong 2022 nang itinatag ang HortiTech Hub sa Singapore na isang fully automated na indoor farming facility na nagtuturo sa mga estudyante ng smart agriculture gamit ang mga teknolohiyang IoT-enabled systems, data analytics, at resource-efficient growing methods upang lumikha ng ani at kalidad ng mga pananim.
Kasama ni Moreno sa pagbisita sina BPI Director Glenn Panganiban at apat na eksperto sa agrikultura, habang pinag-aaralan ng lungsod ang posibleng pakikipagtulungan upang mailokal ang mga inobasyon sa urban farming ng Singapore para sa lungsod ng Maynila. ( Daris Jose)