Isko, babalik ng Maynila dahil sa utang na loob sa Manileño
- Published on April 19, 2025
- by @peoplesbalita
TAHASANG sinabi ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi niya tatalikdan at kakalimutan ang kanyang utang na loob kay dating Vice Mayor Danny Lacuna subalit kailangan din niyang tumanaw ng utang na loob sa Manileño kaya muli siyang tumatakbo sa pagka alkalde ng lungsod.Sa kanyang pagsasalita sa caucus, sinabi ni Isko na ang Manileño ang nagluklok sa kanya upang maging alkalde ng lungsod noong 2022 kaya marapat lamang na suklian niya ng serbisyo ang tiwalang ibinigay sa kanya ng mga ito.“Kung itinuloy lamang nila ang ating programa at pinagbuti ang serbisyo, wala silang dapat ipangamba”, ani IskoAng pahayag ni Isko ay tugon sa ipinupukol umanong isyu sa kanya ng kampo ni Manila Mayor Honey Lacuna wala umano siyang utang na loob. Subalit ayon kay Isko sa kanyang ‘utang na loob’ kay Vice Mayor Danny, ‘inayos’ niya ang mga anak nito sa Manila City kung saan naipuwesto si Councilor Philip Lacuna, Councilor Lei Lacuna, Planning and Zoning chief Dennis Lacuna.Iba pa ang pagpuwesto ni Susan Lacuna na nagsilbing chief of staff ni Mayor Honey at asawa ng alkalde na si Poks Pangan bilang Manila City Health chief dahil ito ang itinuturong utak ng online registration upang makapagpatingin sa mga doctor sa mga pampublikong ospital sa Maynila. Ani Isko ito ang una niyang tatanggalin sa puwesto dahil umano sa pagpapahirap sa mga nais na magpagamot.Matatandaang namamayagpag pa si Isko sa mga kandidato sa pagka-alkalde sa anim na distrito ng Maynila na may 67% voters’ preference ayon sa resulta ng OCTA Research na isinagawa noong Marso 2 hanggang 6 na sinundan nina Sam Versoza (SV) na may 16% at incumbent Mayor Honey Lacuna na may 15%.Maraming Manileño ang nais bumalik si Isko dahil sa kaniyang mga programa sa edukasyon, kalusugan at pag-aalaga sa mga lolo at lola.Ka-tandem ni Isko si Chie Atienza na nagbigay ng katiyakan na suportado ang lahat ng proyekto ng nagbabalik na alkalde ng Maynila. (Gene Adsuara)