• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isang buwan na pero wala raw third party…ELIJAH, kinumpirma na totoong naghiwalay na sila ni MILES (ni: ROHN ROMULO) 

SA naging panayam sa “Ogie Diaz Inspires” na mapapanood sa YouTube channel, tuluyan nang binasag ng aktor na si Elijah Canlas ang kanyang katahimikan para linawin ang kumakalat na isyu sa relasyon nila ni Miles Ocampo.

Kinumpirma na nga ni Elijah na ilang buwan na silang hiwalay ni Miles.

“As much as I’ve been trying to keep it private, syempre we are ongoing through it pero dahil lumalabas na ito lahat,” pahayag ni Elijah.

“I think it’s time for me to say na opo, totoo siya and out of respect for Miles, I will always have love for her, parang kailangang sabihin na lang rin, may mga speculations na mas nagpapalala pa sa pinagdaraanan ko, sa pinagdaraanan namin.”

Dagdag pa niya, “‘Yun ‘yung masakit na part about it kasi nga we got back together thinking ‘this is it’ but that’s what happens in relationships. Binigay namin lahat, ‘yun ang masasabi ko. And we broke up mutually and very amicably. And walang hate, at least on my part.” Hindi na idinetalye ni Elijah ang mga rason sa paghihiwalay nila ni Miles bilang respeto na rin sa dating kasintahan.

“Sana ‘yung pag-speculate [ng mga issue], wala naman kaming magagawa, we see public figures. It comes with the job. Minsan masakit kasi hindi nila alam ‘yung totoo, wala naman silang alam, that’s how I like to keep it. ‘Yung pinagdaanan namin, amin ‘yun. ‘Yung pagmamahalan namin, amin ‘yun.

“So sana po respetuhin ng mga tao ‘yun. And sana go easy with Miles, go easy on me, and let us heal,” pahayag pa ni Elijah.Last month, nag-trending ang nakitang kasama niya ang Kapuso artist na si Thea Astley sa isang public market sa La Union, dito nagsimulang magtanong netizens kung totoong naghiwalay uli sila ni Miles. Bukod pa sa tsikang may third party sa kanilang break-up.Paglilinaw ng aktor, 

“Miles would know it’s not true. People close to us would know that it’s not true. There’s no third party involved. Walang ganon talaga, ever.”Ipinagdiinang din ni Elijah na hindi rin totoo ang balita tungkol sa kanila ni Thea.

Sobrang OA lang talaga raw ang naging reaksyon ng mga tao at unfair yun para sa kanya.