• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Irving pinayagan ng makabalik sa paglalaro

Inanunsiyo ng NBA na natapos na ang suspensiyon ni Brooklyn Nets star Kyrie Irving.

 

Kasunod ito sa social media posting ni Irving na may kaugnayan sa anti-semitic materials.

 

Dahil dito ay sinabi ng Nets na makakasama na nila si Irving sa paglalaro laban sa Memphis Grizzles.

 

Matapos ang pahingi ng paumanhin ni Irving at ang pakikipag-usap kay NBA Commissioner Adam Silver ay pinayagan na itong makapaglaro.

 

Una ng pinatawan ng 8-games ban si Irving ng Nets dahil sa ginawa nito. (CARD)