• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Ironclad” commitment ng US sa Pilipinas sa liderato ni Trump, mananatili

IKINALUGOD ni Speaker Martin Romualdez ang ginawang paniniguro ng bagong talagang U.S. Secretary of State Marco Rubio na ime-maintain ng United States, sa ilalim ng liderato ni Presidente Donald Trump, ang “ironclad” commitment nito sa Pilipinas.

 

“Secretary Rubio’s affirmation clearly demonstrates the United States’ enduring commitment to our partnership. This reassurance comes at a crucial time when our shared values and mutual interests face serious challenges in the region,” ani Romualdez.

 

Napapanahon aniya ang naging pahayag ni Rubio kasunod na rin sa tumataas na tensiyon sa West Philippine Sea, partikular na sa presensiya ng malaking barko ng China Coast Guard malapit sa territorial waters ng Pilipinas.

 

Sa kabila ng patuloy na tensiyon, iginiit ni Speaker ang pagkakaroon ng diplomasya na siyang pangunahing paraan para maresolba ang usapin sa West Philippine Sea.

 

Inihayag pa ni Romualdez na sa kabila rin na kinilala nito ang pangangailangan sa isang malakas na alyansa ay mananatili ang pagsunod ng Pilipinas sa pagkakaroon ng isang independent foreign policy.

 

“Our focus remains on safeguarding our sovereignty and securing the welfare of our people. At the same time, we recognize the importance of working with allies who uphold the rule of law and respect international norms,” giit nito. (Vina de Guzman)