Iranian at American, inaresto sa magkahiwalay na operasyon ng BI
- Published on February 13, 2025
- by Peoples Balita
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence ang isang Iranian at American national sa magkahiwalay na operasyon sa Pampanga at Isabela.
Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang naaaresto na si Amirhossein Moghaddasi, 52, sa loob ng Clark Civil Aviation Complex sa Clark Freeport Zone, Pampanga.
Si Moghaddasi ay inaresto ng mga operatiba ng BI intelligence makaraang nakatanggap ng reklamo na sa kabila ng mayroon itong working visa ay nagtatrabaho sa ibang kumpanya.
Kinumpirma naman nito ni Moghaddasi na nagtatrabaho ito sa ibang kumpanya makaraang nagsara ang kanyang dating pinapasukan.
Samantala, inresto naman si James Brian Dunlap, 68, sa Brgy. Silawit, Cauayan City sa Isabela dahil sa pag-overstaying nito sa bansa ng halos 25 buwan na siang paglabag sa Philippine immigration laws.
Ang dalawa ay inilipat sa BI facility sa Camp Bagong Diwa in Bicutan, Taguig at nahaharap sa deportation charges. (Gene Adsuara)