• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipinaubaya na niya at happy sa ’Toni Talks’: TONI, inabangan ng fans pero si LUIS ang nagbalik-host sa ‘PBB’

MATAGAL ng nababalita na si Toni Gonzaga ang magbabalik na original host ng Pinoy Big Brother.
At hanggang ngayon ay ito pa rin ang pinag-uusapan sa social media pero bigo ang mga nag-aabang dahil walang Toni na umapir sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ng ABS-CBN at GMA.
Mali ang hula ng lahat sa teaser ng show na si Toni raw ito dahil si Luis Manzano pala ang bumulaga sa bagong season ng PBB.
Hindi natin masisisi ang umaasam na fans dahil ang Ultimate Multimedia Star naman talaga ang mukha ng PBB. At sobrang husay at galing naman talaga ng performance ng singer-host sa bawat episode ng nasabing reality competetion show.
Pero tulad nga ng sinabi ni Toni, sa kanyang past interviews, ipinauubaya na raw niya ang PBB sa mga batang host at marami naman talaga ang magaling.
Sa ngayon, ay very fabulous ang career ni Toni sa solong hino-host na online talk show na “Toni Talks!”
Isa siya sa mga top vloggers ng bansa na million ang viewers sa buong mundo. Most trusted rin si Toni ng mga kapwa niya celebrity and people from different fields na nai-interview niya sa kanyang show.
At sa “Toni Talks” ay maraming pasabog na rebelasyon mula sa mga guest. Na madalas kapag nanonood ka, ay talagang maki-carried away ka at ‘di maiiwasang maluha.
May game segment rin si Toni sa show na “Ang Tanong?” na hit na hit rin sa viewers.
Mapapanood ito sa Toni Gonzaga Studio sa Youtube.

***

Malu Barry, kaabang-abang ang pasabog na project

MULI naming naka-chikahan ang aming long time bff na si Malu Barry, sa Grand Media Launch ng Why Not Yans Beauty Products.
Happy kami na may pasabog pa lang project si Malu na endorsement para sa isang international beauty products.
And guess who kung sino ang makakasama niya sa nasabing endorsement? Well, isang international star lang naman na produkto ng ABS-CBN at sumikat sa bansang Korea.
Nang tanungin namin si Malunggay (tawag namin kay Malu) kung pwede na niyang i-reveal kung sino itong makakasama niya sa kanilang endorsement. Sagot ng Sultry Diva at Torch Queen ay hindi pa raw pwedeng i-divulge at wait na lang daw sa malaking media launch nila ni nasabing international star.
Pagdating naman sa kanyang singing career, active pa rin si Malu na may mga show sa mga kilalang bars. Jampacked nga ang ginawa nitong birthday concert sa Janealo Bay Cafe sa may Roxas Blvd last August 20.
At ilan sa namataan naming nanonood ng show niya ay ang kanyang bff na si Patricia Javier at ang Lord of Scents na si Joel Cruz.

(PETER S. LEDESMA)