IPINAAALAM ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa taumbayan na ang lahat ng mga impormasyon ukol sa kontrobersiyal at maanomalyang flood control projects na nakalap ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ire-refer o idudulog na sa Ombudsman para kaagad itong maimbestigahan.
- Published on November 22, 2025
- by @peoplesbalita
Sa isang video message, sinabi ng Pangulo na ang impormasyon na kanyang tinutukoy ay tungkol sa mga impormasyon ng dating Speaker Martin Romualdez at Zaldy Co.
“Pag nakita lahat ng ebidensya, baka magfile ng kaso ng plunder o anti-graft o indirect bribery. Malakas naman ang loob natin na yung Ombudsman, ang ginagawa lamang ay sumusunod sa ebidensya, at kung saan tayo dinadala ng ebidensya, doon pupunta ang ating imbestigasyon,” ayon sa Pangulo
Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na kagaya ng kanyang nasabi sa kanyang nakaraang pag-uulat, patuloy siyang magre-report sa taumbayan hinggil sa mga kaso at mga hindi magandang impormasyon na nakukuha niya tungkol sa mga flood control project. (Daris Jose)