Interpol red notice vs Atong ihihirit ng PNP
- Published on January 17, 2026
- by @peoplesbalita
HUMILING na ng red notice mula sa Interpol ang Philippine National Police (PNP) sakaling lumabas ng bansa ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Robert Morico II, ang kanilang aksiyon ay paniniguro lamang na agad na madadakip si Ang.
Sinabi naman ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, na kahit ang pagdaan sa backdoor ay mahihirapang gawin ni Ang dahil may mga asset din ang PNP na maaaring makapagbigay ng impormasyon.
Hihilingin na rin ng DILG sa Department of Justice na maglabas ng Hold Departure Order kay Ang para sa katiyakang hindi siya makalalabas ng bansa.
Muli ay umapela si Remulla kay Ang na kusa nang isuko ang sarili sa mga otoridad.