Iniisip na karelasyon na ng aktres si Paulo: Pag-follow ni LJ kay KIM, ikinatuwa ng mga tagahanga ng KimPau
- Published on August 13, 2024
- by @peoplesbalita

IKINATUWA ng mga tagahanga ng KimPau ang pag-follow ni LJ Reyes sa instagram ni Kim Chiu.
Para kasi sa kanila ay parang pahiwatig daw ‘yun may sort of basbas ‘yun mula mismo sa dating karelasyon ni Paulo Avelino.
Lalo raw kinilig ang nga fans sa ginawang yun ni LJ.
They follow each other na in IG, samantalang hindi pina-follow ni LJ si Paulo.
Mababasa ang mga comment ng KimPau fans…
“Wait paano kumalma LJ Reyes is now following Kim. Aw so confirmed talaga Eyy.” “Super kilig. That is such a sweet gesture coming from her.”
“I admire LJ Reyes for this. She knows her son will be in good hands with h nger…#KimChiu.”
“Sasabog na ang puso ko! Ang OA ko na.”
“Oh gosh I love how Kim was really able to enter Paul’s world in a short span of time.”
Dagdag pa rin na mas naniwala ang KimPau fans na kasama nga ito ni Paulo si Kim nang bisitahin niya ang anak na si Aki sa New York at ipinakilala niya ito sa anak.
Ang sabi ay naikuwento raw ‘yun ni Aki sa mom niya, kaya nag-follow na si LJ kay Kim.
Pero may nag-nega naman sa naturang komento ng mga KimPau.
Nag-over acting daw ang mga fans at assuming agad na in a relationship na sila dahil lang nag-follow sina LJ at Kim sa isa’t isa.
Wala pa naman daw ina-announce sina Kim at Paulo kung sila na, tapos ang fans, kung anu-ano na ang naiisip.
Para sa mga detractors ng KimPau, ay kawawa raw si Paulo kapag napatunayan na for reel lang ang love team nila ni Kim, sigurado raw na maba-bash ang aktor.
Sa ngayon, hayaan muna natin ang KimPau fans na masaya at kinikilig!
(JIMI C. ESCALA)