• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:30 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Indibidwal o pamilyang nakatira sa ECQ, makatatanggap ng cash aid mula sa gobyerno

IBINALITA ng Malakanyang na may matatangap na cash aid ang mga mamamayang nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

 

Sinabi ni Sec. Roque na may matatanggap na P1,000 hanggang P4,000 na cash aid ang ibibigay kada pamilya sa lugar na nasa ilalim ng ECQ gaya ng Iloilo province, Iloilo at Cagayan de Oro City at Gingoog City.

 

Ito aniya ay manggagaling sa sa programa ng DSWD na Assistance to Individuals to Crisis Situation (AICS).

 

“Inaprubahan na po ng Presidente (Rodrigo Roa Duterte) ang pagbigay ng P1,000 tulong sa mga nangangailangan mga kababayan natin sa mga areas na nasa ilalim ng ECQ at ito po ay hanggang maximum na hanggang P4,000 kada pamilya,”

 

Ang pondo ani Sec. Roque ay dina-download sa mga lokal na pamahalaan ng Iloilo province, Iloilo at Cagayan de Oro City at Gingoog City.

 

‘Ulitin ko po, nandiyan na po iyong assistance na sinabi ng Pangulo na kinakailangang ibigay kapag tayo po ay nag-ECQ. Ito po ay P1,000 kada tao or maximum na P4,000 kada pamilya

 

Ang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ ay mula Hulyo 16 hanggang Agosto 7. (Daris Jose)