• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

inang na tulak, timbog sa Caloocan drug bust

GLAGLAG sa selda ang isang babae na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Sa kanyang report kay Northern Police (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang suspek na si alyas “Ning” 44-anyos.

Ayon kay Col. Goforth, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan CPS hinggil sa umano’y pagtutulak ng iligal na droga ng suspek.

Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng SDEU, ikinasa ng mga ito ang buy bust operation sa pangunguna P/Lt. Restie Mables, sa koordinasyon sa PDEA.

Matapos umanong tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng SDEU dakong alas-10:15 ng gabi sa Daang Bakal St., Brgy., 59.

Nakumpiska sa kanya ang humigi’t kumulang 10.58 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P71,944 at buy bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
(Richard Mesa)