• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaming guwapong-guwapo kay Andres Muhlach: JESS, hangang-hanga kina MARIAN at HEART at gustong makasama

MORE than a year nang talent ng Artist Circle na pag-aari ni Rams David ang social media influencer/content creator (na may 570K plus followers sa Tiktok) na si Jess Martinez.
Aminado ang 23 years old na newbie actress na pangarap talaga niyang makapasok sa showbiz, at maging artista.
“Sabi ko, I want to became a star one day. I want to be seen on television to express my craft.
“And a little background, wala pong nasa industry na family.  They are on the business side. It is my own decision to enter the showbiz industry.”
Unang napanood si Jess sa ‘Abot-Kamay na Pangarap’ na kung saan gumanap siyang Diwata, ang pamangkin ng character ni Wilma Doesnt.  Tumagal din ito ng four months.
Nakapag-guest na rin siya sa ‘Regal Studios’ at ‘Pepito Manaloto’.  Next month mapapanood naman siya sa ‘Sanggang-Dikit FR’ nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Na kung saan matutupad ang dream niya na makapag-action, after ng maranasang makapag-drama.
Sina Marian Rivera at Heart Evangelista ang kanyang hinahangaan.
“I really really looked up to Ms. Marian, kasi she is really a great actress,” sabi ni Jess.
“Along with her, I really love Ms. Heart din, because of how she dresses up and showed herself.”
Pangarap niyang makasama si Marian sa isang teleserye o pelikula.  At makasama rin si Heart sa pagrampa, tulad ng ginagawa nito sa Paris at Milan.
Inamin din ni Jess ang kanyang crush sa showbiz, “si Andres Muhlach! Super gwapo kasi niya. Pero sa ngayon, career muna!”
Ngayong isa na siyang ganap na artista, hindi naman niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral.  Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Business Management sa Southville International School.
Samantala, last year ay ni-launch si Jess bilang face of Skinlandia, na kung saan may beauty and wellness clinic sa SM City Fairview.  Pag-aari ito nina Noreen at Juncytnth Divina ng Nailandia Nail Studio and Body Spa na ini-endorse naman ni Marian.
Soon ay magkakaroon ng sariling branch ng  Skinlandia ang pamilya ni Jess sa McKinley Hill, Taguig City.
 
(ROHN ROMULO)