• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inamin na kinabahan sa una nilang eksena: KEN, pinangarap talaga na makatrabaho si GABBY

DREAM come true para kay Ken Chan na makatrabaho si Gabby Eigenmann.
“Nakaka-message ko po si Kuya Gabby, sinasabi ko po lagi, ‘Sana makatrabaho po kita, Kuya Gabby!”
“Kasi pangarap ko talaga siyang makatrabaho po,” kuwento ni Ken.
At sa pamamagitan ng pelikulang ‘Papa Mascot’ ay natupad ang pangarap ni Ken dahil isa si Gabby sa main cast ng naturang pelikula ng WIDE International Films nina Ken, April Martin at Pauline Mae Publico.
Pagpapatuloy pang kuwento ni Ken…
“And nung unang shooting day po namin dito sa pelikula, sabi ko po sa kanya, ‘Kuya Gabby kinakabahan akong makaeksena ka!’
“Pero you know what, ang dami ko pong natutunan kay Kuya Gabby, kasi nag-uusap po kami ni Kuya Gabby at Ate Liza ng mga technique sa pag-arte.
“Nagkukuwentuhan po kami kung ano ba yung kailangan, kung paano ba yung mga techniques.
“Ang dami po nilang nai-share po sa akin na hindi ko pa po nalalaman, na nakatulong din po sa akin para mabuo ko yung film character ko bilang si Papa Mascot po.
“And I’m just so thankful, Kuya Gabby and Ate Liza, that you shared that to me. That moment nung nasa court po tayo nun, naka-standby po tayo, ang dami ko pong mga learnings nun na nai-apply ko po at nakatulong po sa akin to built the character as Nico, as Papa Mascot.
“Kaya I’m blessed po, thank you.”
Sa direksyon ni Louie Ignacio, panulat ni Ralston Jover at line produced ni Dennis Evangelista, nasa Papa Mascot rin sina Miles Ocampo, Erin Rose Espiritu, Sue Prado, Tabs Sumulong, Yian Gabriel, Jordaine Suan, Joe Gruta, JC Parker at Liza Diño.
Ngayong April 26 ito ipapalabas sa mga sinehan.
(ROMMEL L. GONZALES)