• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:59 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inakala na magkakalalaki na sila: Second baby nina VIN at SOPHIE, babae uli

BABY girl ulit ang magiging second baby nina Vin Abrenica at Sophie Albert.

 

 

Sa recent vlog ng mag-asawa sa YouTube channel, mapapanood ang experience ni Sophie sa ultrasound center na Hello Baby kunsaan naganap ang gender reveal ng kanilang second baby.

 

Yung private room ay napalibutan ng balloons at may big screen para sa viewing ng ultrasound image.

 

Ang eldest daughter nila na si Avianna, ay excited na sa baby sister nito.

 

Kuwento pa nila Sophie at Vin na inakala nila magkakalalaki na sila. Pero mali ang hula nila.

 

“We’re so, so, so, so, sure we will have a boy,” sey ni Sophie.

 

Sey ni Vin: “Oo sobra. Kasi ang daming signs, ‘di ba? Alam ko kasi ang pregnancy mo kay Ava, our first. Sabi nila, ‘Ganito kabilog, bilog ang tiyan. Tapos hindi bumababa. Kapag hindi bumababa that’s a girl.’ Tapos ‘yung pagbubuntis mo noon, iba sa pagbubuntis mo ngayon.”

 

Mas naging magaan daw ang pagbubuntis ngayon ni Sophie kumpara sa una.

 

“First trimester, this is definitely better kasi I was really in hell with Ava’s first trimester. This one at least kahit papaano but I still felt a little bit. My morning sickness is still all day. Now that I’m in my third trimester, parang mas napi-feel ko ‘yung aches and pains in my body. But I don’t know if I’m also much older now.”

 

***

 

NILINAW ng Filipino drag queen na si Eva Le Queen ang misconceptions about drag.

 

Hindi raw ito basta lang form of gender expression but more of an art form.

 

“Para lang kami ding painters or writers or para kaming nagsusulat ng musika or nagsusulat ng tula. It’s just na kung ano yung nabuong personality, ano yung performance na nabuo, yun yung art form.”

 

Inamin ng DragRace PH season 1 finalists, maraming misunderstandings tungkol sa mga drag performers. Ina-assume ng marami na ang drag ay para lang sa transexuals or want to cross-dress. Drag is a form of artistic expression and not gender expression.

 

“Kumbaga, sa normal na buhay ko hindi naman ako nagbibihis ng ganito, e. This is an art form na gusto kong ipakita sa ngayon and then, mamaya, magtatanggal na ako ng make up, tutulog na ako ulit bilang lalaki. ‘Yun talaga siya,” sey ni Eva.

 

May mga straight men and women na nagda-drag din.

 

“Nagkataon lang na ‘yun ‘yung satire about it, e, it pokes on gender constructs. Kumbaga, it’s a gender-bending art form, it’s just a play on gender. Whether may mga cis-born female, they dress up as males, they call themselves drag kings. Then, merong mga cis-male like myself who dress up as females, we are drag queens, meron ding mga non-binary.

 

“In simple terms, ang lagi kong sinasabi, drag, we sell a fantasy. Ito pong nakikita ninyo, ito po ‘yung fantasy ko bilang as a person.

 

“Gusto ko na mukha akong mayaman, gusto ko ng mukha akong makinis, ‘yung kakong madam, ‘yung ganito ‘yung buhok. Pero on an ordinary day, wala naman naglalakad ng ganito sa kalsada, ‘di ba?”

 

***

 

INUTUSAN ng korte si Sean “Diddy” Combs na bayaran si Derrick Lee Cardello-Smith ng $100 million dahil sa salang sexual assault.

 

 

Sa lawsuit ni Cardello-Smith, inakusahan niya si Combs na may nilagay na droga sa inumin niya at hinalay siya ng rapper sa isang Detroit party in 1997.

 

Sa preliminary court hearing last month, Cardello-Smith testified that Diddy offered him $2.3 million to dismiss the case, pero di niya ito tinanggap.

 

To settle the $100 million, inutusan ng Lenawee County Circuit judge si Diddy to pay $10 million a month starting in October.

 

Cardello-Smith is currently an inmate serving time at Earnest C. Brooks Correctional Facility in Michigan for an unrelated charge.

 

Nasa market na ang Beverly Hills mansion ni Diddy for $61.5 million six months after na ma-raid ito ng federal officers for sex trafficking.

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)