• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:22 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

INAGURASYON NI PBBM, KASADO NA

KASADO na ang paghahanda ng Manila Police District (MPD) katuwang ng ilang ahensya ng gobyerno para sa inagurasyon niĀ  President Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ayon kay MPD Director Brig. Gen.Leo Francisco, nasa final phase na at okay na lahat ng paghahanda para sa ipapatupad na seguridad sa inagurasyon.

 

 

“Final phase na at all sysytems Go na”, tugon ni Francisco sa viber message.

 

 

Katuwang ng kapulisan ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na una ng inayos ang mga kalsada sa paligid ng National Museum gayundin ang pagsasa-ayos ng kapaligiran katuwang ang MMDA.

 

 

Maging ang mga tauhan ng Meralco ay nagsagawa na rin ng reconductoring upang masiguro na walang magiging problema ang suplay ng kuryente sa araw ng inagurasyon sa June 30.

 

 

Kaisa rin sa naghahanda ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine Army, PNP, Philippine Air Force at Philippine Marines para sa gagawing rehearsal simula ngayong araw.

 

 

Mahigpit naman ang pagbabantay ng mga tauhan ng PNP sa paligid ng National Museum kasabay na rin ng ilang mga kalsada na isinara sa motorista para sa inagurasyon ni Marcos Jr.

 

 

Dahil sa mga isinarang kalsada partikular sa may bahagi ng Lagusnilad patungong Taft avenue at Roxas Blvd. patungong Finance Road ay unti-unti na ring nakakaranas ng pagsisikap ng daloy ng trapiko. (GENE ADSUARA)