Inagurasyon at Blessings ng Bagong Modernong Gusaling Paaralan sa Padre Garcia
- Published on January 12, 2026
- by @peoplesbalita
PINASINAYAAN ang dalawang palapag na Bagong Gusaling Modernong Pampublikong Paaralan ng Padre Garcia Central School na isinagawa ika-8 ng Enero, 2026 sa nasabing eskwelahan.
Ito ay pinangunahan ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ni Mayor Celsa B. Rivera kasama si Vice Mayor Micko Rivera sa nasabing seremonya ng ribbon cutting kasama sina Bb.Marites Ibañez, CESO V at miyembro ng Sangguniang Bayan na sinundan ng pagbebendisyon ng buong gusali sa pangunguna ni Rev. Fr. Royger Ballaran, OSJ.
Dumalo rin sa nasabing programa ang mga guro, school heads, at ilang PTA Officers ng paaralan.
Sa ginanap na maikling programa ay ipinangako ng Bise Alkalde na si Vice Mayor Micko Angelo Rivera para sa mga l mamamayan at SB Committee Chair on Education, na hindi siya titigil sa pagkalap ng pondo upang patuloy na mapunan ang pangangailangang pang-edukasyon ng mga kabataan.
“Only in Padre Garcia!” saad ni Ma’am Marites Ibañez, CESO V, Schools Division Superintendent, na hindi naitago ang pagkamangha sa malalaking proyektong nagsusulputan sa munti ngunit kasiya-siya at kahanga-hangang bayan.
Labis ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Padre Garcia sa Pamumuno ng ina ng Bayan na si Mayor Celsa B. Rivera Sa tulong ni Senator JV Ejercito para maisagawa ang nasabing proyekto para sa mga mag-aaral ng mga Garciano.
(Yvonne Bagang/ Photos Boy Morales Sr.)