Inaasahan na gagawa uli ng box-office record: VICE at Direk CATHY, sanib-puwersa sa MMFF entry na ‘Partners In Crime’
- Published on August 22, 2022
- by @peoplesbalita
MAGSASANIB-PUWERSA sa isang malaking pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2022 ang Phenomenal Box-Office Star Vice Ganda at Box-Office Director Cathy Garcia-Molina.
May title na Partners in Crime ang action-comedy na pagbibidahan ni Vice at ni Ivana Alawi. Na-announce na ito noong nakaraang July ng bumubuo ng MMFF kasama ang tatlo pang confirmed entries.
Nag-meeting na para sa project na ito at pinost ito sa social media ng Star Cinema marketing executive Mico del Rosario na may caption na: “Family. Power. Vice X Cathy #MMFF2022”.
Two years na hindi nakagawa ng pelikula sa MMFF si Vice dahil sa global pandemic. Halos lahat ng MMFF entries ni Vice ay naging top-grosser simula sa Sisterakas (2012), Girl, Boy, Bakla, Tomboy (2013), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), The Beauty and The Bestie (2015), Gandarrapido: The Revenger Squad (2017), Fantastica (2018) at The Mall, The Merrier (2019).
Highest grossing film ni Vice sa MMFF ay ang Fastastica with P595 million.
Si Direk Cathy naman ang nagdirek ng Philippines’ highest-grossing film na Hello, Love, Goodbye na kumita ng P880 million. Bida rito sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Ang iba pang box-office hits ni Direk Cathy ay ang One More Chance (2007), A Very Special Love (2008), You Changed My Live (2009), Miss You Like Crazy (2010), My Amnesia Girl (2010), Unofficially Yours (2012), It Takes A Man And A Woman (2013), She’s Dating A Gangster (2014), A Second Chance (2015), My Ex and Whys (2017), and The Hows Of Us (2018).
***
INUSISA ang katotohanan sa relasyon noon nila Angelu de Leon at Bobby Andrews sa Surprise Guest with Pia Arcangel.
Sey ni Angelu na “more than friends but less than lovers” daw ang naging relasyon noon ni Bobby: “Sabihin na nga nating si Bobby lang ang hindi ko nakatuluyan. Kasi at that time talaga, meron kaming age difference, at medyo malayo. Si Bobby, he’s really just a gentleman kaya feeling niya, baby na baby ako sa paningin niya, little sister. Kaya walang romantic love.”
Dahil dito, hindi na raw kailangan pang lagyan ng label ang pagkakaibigan nila noong panahon na magka-loveteam sila sa TGIS.
“Pero sabi ko nga as always, my high respect for him. Kaya parang nag-supersede kami roon sa friendship level compared to the others. Kasi nga ‘yung self-respect namin sa isa’t isa ibang klase, kaya nga kami nagkaroon talaga ‘yung saying na ‘more than friends but less of a lover,’ kasi andoon kami sa, ‘yung mahal namin ang isa’t isa because we respect each other so much, na to the point na hindi siya kailangan lagyan ng label, hindi siya kailangan romantic para maging authentic. Kaya when you see us together, hindi mo ma-explain ‘yung chemistry kasi nga you know, it supersedes that relationship status na kailangan mag-jowa kayo or kailangan romantic kayo, ‘yun ‘yung level of relationship namin ni Bobby. Sabi nga namin baka soulmates kami, in that sense ‘di ba?”
Inamin naman ni Angelu na nakarelasyon niya sa TGIS noon ay sina Onemig Bondoc at Michael Flores.
Kasalukuyang umuupong konsehal si Angelu sa 2nd district ng Pasig City.
(RUEL J. MENDOZA)