In-unveil sa first death anniversary… BARBIE HSU, ginawan ng memorial statue at dumalo sina JERRY YAN at VIC ZHOU sa ceremony
- Published on February 4, 2026
- by @peoplesbalita
BILANG patuloy na pag-alala, isang memorial statue ang ipinatayo para sa Taiwanese actress na si Barbie Hsu.
Ayon sa inilabas na balita ng international media, itinayo ang naturang memorial statue ni Barbie, malapit sa kanyang libingan sa Chin Pao San cemetery sa New Taipei, Taiwan nitong Lunes,Pinangunaha, kasabay ng first death anniversary ng aktres.
Ang singer and DJ na si Koo Jun Yup, asawa ni Barbie ang nag-design ng memorial statue in her honor.
Ayon pa sa asawa, ito ay sumisimbolo sa walang hanggang pagmamahal niya kay Barbie at ng kanyang pamilya.
Pinangunahan ni Koo at ng kanyang ina ang unveiling ceremony kung saan kasama rin nila ang kapatid ng aktres na si Dee Hsu.
Matatandaan na pumanaw si Barbie noong February 2, 2025 sa Tokyo, Japan dahil sa komplikasyon dulot ng sakit na influenza na kinumpirma ng kanyang kapatid.
Dumalo naman ng mga taong malalapit kay Barbie sa naturang ceremony tulad na lang ng “Meteor Garden” co-stars na sina Jerry Yan say Vic Zhou.
Dumating din ang Taiwanese singer na si Rainie Yang, South Korean boy group Super Junior member na si Choi Si-won, Taiwanese TV producer Wang Wei-chung kasama ang kanyang asawa, at ang mga TV hosts na sina Kevin Tsai at Matilda Tao.
Sigurado kaming dadayuhin ito ng fans, ng “Meteor Garden” at posibleng maging tourist spot sa Taipei, Taiwan. (ROHN ROMULO)