Imbestigasyon sa pagpapakalat ng fake news, sisimulan ng Kamara
- Published on January 27, 2025
- by Peoples Balita
NAKATAKDANG simulan ng Kamara ang imbestigasyon sa pagkalat ng fake news at disinformation.
Tatlong komite o Tri Committee (Tri Comm) ang siyang mangunguna sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa likod ng malawakang disinformation maging ang impact nito sa Filipino society.
Ang joint panel ay bubuuin House Committees on Public Order, on Public Information at on Information and Communications Technology (ICT).
Nagsagawa naman ng unang executive briefing ngayong Lunse ang tricom na pinangunahan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez presiding.
“Ang mga Pilipino ay may karapatan sa katotohanan. Dapat protektahan natin ang ating mga kababayan laban sa mga maling impormasyong nagdudulot ng takot, kalituhan at pagkakawatak-watak ng ating lipunan,” ani Fernandez.
Layon ng mga mambabatas na busisiin ang pagiging epektibo ng mga plataporma para labanan ang disinformation at matukoy ang mga legislative gaps na kailangang tugunan.
Pananagutin din aniya ang mga masa likod ng pagpapakalat ng pekeng balita at disinformation para sa personal o political gain.
“Hindi natin hahayaang magpatuloy ang sistemang ito kung saan nalilinlang ang ating mga kababayan. Panahon na upang malaman natin ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan para sa pansariling interes,” pahayag nito.
(Vina de Guzman)