Imbestigahan ang sindikato sa loob ng DPWH at mga kasabwat sa flood control
- Published on September 2, 2025
- by @peoplesbalita
MATAPOS tanggapin ni Panuglong Marcos ang pagbibitiw ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, dapat magkaroon pa rin ng malawak na imbestigasyon sa “sindikato” na nago-operate sa loob ng DPWH.Ayon kay Kamanggagawa Partylist Rep. Elijah “Eli” San Fernando, ang “sindikato” ay isang organized network ng mga opisyal, contractors, at kanilang political backers sa kamara at senado na matagal nang nakinabang sa maanomalyang flood control projects.
“I commend President Marcos for accepting Bonoan’s resignation. Pero malinaw: resignation is not enough. Panahon na para simulan ang imbestigasyon sa sindikatong bumabalot sa DPWH at tunay na may mapanagot. Hindi pinanganak kahapon ang mga kababayan natin para maniwalang walang magkakasabwat sa malawakang korapsyon na ito. Kailangang may kasunod na malawak at malalim na imbestigasyon. Managot ang dapat managot. Pagulungin ang ulo ng mga contractor at mga protektor nilang pulitiko,” ani San Fernando.
Nanawagan pa ito sa MalacaƱang at kongreso na isulong pa rin ang accountability sa lahat ng lebelo.
Sinabi nito na hindi kaya ng kahit isang opisyal na mag-isa ang ganitong klaseng well-orchestrated na korapsyon.
“Malinaw na may sindikato umano sa loob ng DPWH, kasabwat ang mga contractors, DPWH officials, COA officials, Congressmen at mga Senador. Lahat ng mapatunayang nagnakaw sa kaban ng bayan ay dapat kasuhan at ikulong,” pahayag ni San Fernando.
Hinikayat pa nito ang gobyerno na magpalabas ng hold departure order sa lahat ng DPWH officials, mula sa Office of the Secretary hanggang sa regional directors at district engineers, kabilang na ang dati at retiradong opisyal upang masiguro ang accountability.
Ipinalalabas din nito sa publiko ang lifestyle checks, SALN audits, at bank account investigations ng mga DPWH personnel na sangkot kabilang na ang blacklist ng mga contractors na sangkot sa anomalya at i-freeze ang kanilang assets.
“Kung seryoso si PBBM na resolbahin ang isyu ng korapsyon, itodo na niya! Huwag palusutin ang mga opisyal at contractor na yumaman sa pandarambong. The people want their heads. Pagulungin ang ulo ng mga walanghiyang umuubos at nagnanakaw sa kaban ng bayan!” anang mambabatas. (Vina de Guzman)