Ilang eksperto, inirekomenda ang pag-inom ng paracetamol sakaling makaranas ng adverse effect
- Published on April 17, 2021
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN ng mga health expert ang mga nagpabakuna laban sa Covid-19 na na uminom ng analgesics o paracetamol kapag nakaramdan ng Flu like symptoms o adverse side effect.
Sa Laging Handa briefing sinabi ni Philippine Heart Association at cardiologist Dr. Orly Bugarin, na normal lamang talaga na makaranas ng panandaliang sakit pero pwede aniya itong inuman ng simpleng gamot na analgesics o kaya’y paracetamol.
Pero dapat niyang iwasan ang pag-inom ng mga tinatawag na prophylaxis o iyong mga pain reliever o NSAIDs dahil maaari itong magpataas ng dugo o high blood pressure.
Ayon pa kay Bugarin, hindi rin nila hinihikayat ang pag-inom ng anumang gamot bago magpaturok ng bakuna.
Subalit, kung may mararamdamang sakit makaraang tumanggap ng vaccine ay doon lamang aniya dapat na uminom ng analgesics o paracetamol at agad na uminom ng maraming tubig at magpahinga. (Daris Jose)