
NAGING emosyonal aktor at Beautederm ambassador na si Carlo Aquino sa hinandang surprise birthday party ng asawa na si Charlie Dizon.
Ang birthday party ay ginanap sa isang bar sa Quezon City ang inihanda niya para sa asawa na nagse-celebrate ng ika-40th birthday ngayong September 3.
Kitang-kita nga sobrang pagka-touch ni Carlo at bago nag-blow ang kanyang birthday candles sa mga cakes, kiniss muna siya ni Charlie.
Say ni Carlo, “maraming salamat, hindi ako mahilig sa mga ganito (party), mahal na mahal ko kayo.
“Paalis na rin ako, sana mag-enjoy kayo. Thank you talaga, sobra kong na-appreciate. Thank you at sinalubong nyo ang aking 40th. Mahal na mahal ko kayo.”
Dagdag pa niya, “mahal, ginalingan mo, mamaya ka sa akin. I love you!”
Sa Instagram post ni Charlie ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan na kuha sa surprise birthday party, na dinaluhan ng pamilya nila at mga kaibigan.
“Advanced birthday surprise for the hubby [emoji] A huge success,” saad ni Charlie sa caption.
Nagpasalamat rin si Charlie sa mga naging daan para maging successful ang birthday event ni Carlo.
“Grateful beyond words to everyone who made this day extra special. To our loving guests — thank you for showing your love and celebrating with us. We truly appreciate each and every one of you,” dagdag pa ni Charlie.
Sa comment section ay makikita naman ang mensahe ng aktor para sa asawang punong-abala sa kanyang birthday party.
“I love you April Rose,” sey ng isa sa bida ng seryeng ‘It’s Okay To Not Be Okay’.
Ilan nga sa mga celebrities na bumati sa aktor…
“Na-miss ko ito [sad emoji] pero nagwagi ang abala!!! Happy Burthday @jose_liwanag congrats @charliedizon_ ,” say ni Agot Isidro.
Comment naman ni Regine Angeles, “Happy Birthday Caloy @jose_liwanag!
Ang sweet naman ni wifey.”
“April truly surprised you [smiling emoji] Happy happiest birthday, Caloy. You are so
loved xoxoxo,” post ni Maila Gumila.
Maraming netizens ang bumati kay Carlo at tinatawag na siyang Manong Matmat. Na talaga namang napakahusay ng kanyang pagkakaganap sa seryeng pinagbibidahan din nina Anne Curtis at Joshua Garcia.
Anyway, may birthday post din si Ms. Rei Anicoche Tan, ang founder at CEO ng Beautederm (na nagse-celebrate ng 16 years) kasama ang mag-asawa.
May caption ito ng, “Family is forever [smiling face with heart-eyes emojis] Noon may Carlo Aquino ako, now may Charlie Dizon pa!”
(ROHN ROMULO)