• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilan pa sa awardees sina Dingdong, Daniel at Catriona: VICE GANDA, JULIA at KATHRYN, nanguna sa top celebrity taxpayers sa QC

KINILALA at pinarangalan mismo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga “Top Celebrity Taxpayers of 2024” na kinabibilangan nina Vice Ganda, Julia Barretto, at Kathryn Bernardo.
Ginanap ito Tax Campaign Kick-Off event sa Quezon City noong Martes, March 4.
Sa naturang pagkilala, inihayag ni Vice ang kahalagahan ng tamang paggamit ng tax.
“Tama pong magbayad ng buwis. Obligado tayong magbayad ng buwis. Dapat nating gawin ‘yun. At pagkatapos nating magbayad ng buwis, karapatan din nating obligahin ang hahawak ng buwis na binabayaran natin,” pahayag niya sa kanyang speech.
Dagdag pa ng numero unong taxpayer ng QC, “Hindi madali kung paano natin kinita ang ipambabayad natin ng buwis… tayo ay may karapatang magtatanong saan ang binabayaran nating buwis.”
Sa Facebook page naman ni Vice ay labis itong pasasalamat sa naturang ahensiya ng gobyerno…
“Maraming salamat sa pagkilala sa akin bilang TOP TAXPAYER in BIR Quezon City for 2024. Obligasyon nating magbayad ng buwis, at obligasyon din nating itanong kung saan napupunta ito.”
Sa social media naman Viva Artists Agency, “Julia Barretto receives an award for being the second-highest taxpayer in Quezon City at the BIR Quezon City Tax Campaign Kickoff.”
Sa Instagram post naman ni Kim Chiu, “As responsible citizens, it’s important to understand our tax obligations and how they contribute to nation-building.”
Ang iba pang awardees sa event ay sina Dingdong Dantes, Kim Chiu, Darren Espanto, Daniel Padilla, mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Allen Dizon, Albert Martinez, Jason Dy, Richard Reynoso at si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Nagpasalamat si Kathryn sa BIR sa pamamagitan ng isang video message, at si Karla Estrada naman ang naging representative ni Daniel.
Kasama rin sa list of awardees sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Vic Sotto, at Joey de Leon, pero hindi sila nakapunta sa naturang event.
Marami pang celebrities ang nagiging magandang ehemplo sa mamamayan sa pagbabayad ng tamang buwis.
(ROHN ROMULO)