• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ikinatuwa ng TUCP ang pagpasa sa huling pagbasa… P200 na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners

IKINATUWA ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-List Rep. at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza ang pagpasa sa huling pagbasa ng dagdag na P200 sa arawang sahod ng mga minimum wage earners sa mga private companies.
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House bill na naglalayong mabigyan ng P200 na dagdag sahod kada araw para sa mga minimum wage earners sa mga private sectors.
Mayroong 171 na mga mambabatas ang sumang-ayon habang isa ang kumontra at walang nag-abstentions sa pagpasa ng House Bill (HB) No. 11376 or the proposed Wage Hike For Minimum Wage Workers Act.
Nakasaad sa pinal na bersyon ang panukalang batas na maari pa ring magkarong ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ng taas sahod kahit na ang HB 11376 ay ipinatupad.
Kasama rin sa panukalang batas na ang mga maliliit na negosyante na apektado ng taas sahod ay maaari silang humingi ng insentibo mula sa Department of Labor and Employment.
Ayon sa mambabatas na ang nasabing pagpasa ng batas ay nagpapakita ng tagumpay para sa mga minimum wage earners.
Umaasa ito na agad itong maaprubahan sa senado at mapirmahan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ( Daris Jose)