• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:30 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ikatlong public hearing ng House Tri-Comm, magaganap para tugunan ang lumalaking isyu ng disinformation at fake news online

NAKATAKDANG magsagawa ng ikatlong public hearing ang House Tri-Committee (Tri-Comm) ngayong Biyernes upang tugunan ang lumalaking isyu ng disinformation at fake news online.

Kabilang sa inimbitahan ang nasa 11 social media personalities at vloggers, kasama na si dating Communications Secretary Trixie Cruz-Angeles, na posibleng makaharap sa contempt at

detention kapag patuloy sa hindi pagdalo sa imbestigasyon.

Una nang nagpalabas ang Committees on Public Order and Safety, Information and Communications Technology, at Public Information ng show cause orders sa mga naturang indibidwal na isinasangkot sa pagpapakalat umano ng misleading online content.

Sa kabila ng ilang summons, nabigo ang ilan sa mga ito na dumalo sa pagdinig ng panel na siyang dahilan upang magpatupad ng legal na hakbang ang komite kabilang na ang pag-isyu ng subpoenas laban sa 11 vloggers.

Sinabi ni Laguna Rep. Dan Fernandez, overall chair ng Tri-Comm, na layon ng imbestigasyon ng komite na mapanagot ang mga indibidwal na nagpapakalat umano ng pekeng balita at content sa online.

“Disinformation is a national security issue. It erodes public trust, destabilizes institutions, and manipulates democratic discourse. We cannot allow social media to become a free-for-all platform for deception and propaganda,” ani Fernandez. (Vina de Guzman)