• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:41 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ikalawang batch ng MRT-7 trains kinabit sa rail tracks

Kinabit at nilagay ng San Miguel Corp. (SMC) ang ikalawang batch ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT7) ang mga bagong trains sets sa rail tracks nito.

 

 

 

“Work continues non-stop on the MRT-7 project so we can meet our target start of operations by end of next year. I am glad to report that we are on track to meet the milestones we expect of this year,” wika ni SMC president Ramon Ang.

 

 

 

Katulad ng naunang dalawang train sets na dumating noong September, ang karagdagang dalawang (2) Hyundai Rotem trains ay nilagay sa MRT-7 tracks sa pagitan ng estasyon ng University Avenue at Tandang Sora sa Quezon City.

 

 

 

Nakikita ng SMC na makukuha at mailalagay pa ang anim (6) na bagon mula sa kabuohang 36 train sets bago matapos ang taon kung saan inaasahan na magkakaron ng partial operation sa pagtatapos ng taong 2022.

 

 

 

Sa ngayon ang MRT-7 na may habang 22-kilometer ay may 56.03 porsiento ng tapos at inaasahang magsisimula ng test run sa darating na December 2022.

 

 

 

Mayron itong 14 na estasyon na kung matatapos ay makakabawas ng travel time mula Quezon City hanggang Bulacan kung saan ito ay magiging 35 minuto na lamang.

 

 

 

Ang MRT-7, sa unang taon ng operasyon ay makapagsasakay ng 300,000 na pasahero kada araw at may maximum projection na 850,000 na pasahero kada araw sa ika 12 taon ng operasyon.

 

 

 

“Given the need for social distancing and limited capacity enforced in public transportation amid the threat of COVID-19, we don’t expect to achieve these numbers right away, but rest assured, the trains will serve their purpose of bringing more people from Quezon City to Bulacan faster and safer post-pandemic,” dagdag ni Ang.

 

 

 

Samantala, ang Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1, ay nakuha na rin ang 12th-fourth generation (Gen-4) train set na gagamitin sa LRT 1 system at sa Cavite extension project.

 

 

 

Ang mga bagong train sets ay gagamit sa kalagitnaan ng 2022 pag tapos na itong sumailalim sa safety checks, inspection at kailangan mga test runs.

 

 

 

Bawat isang Gen-4 train set ay may four-light rail vehicles (LRVs) na may kabuohang kapasidad na 1,300 na pasahero kada trip. Mayron pa na dadating na may kabuohang 30 train sets o 120 LRVs mula sa Spain at Mexico sa darating na June sa isang taon.

 

 

 

“The trains have destination signs to inform passengers if they are heading north or south. The driver station features a modern design, with a monitor that shows temperature. The trains are also PWD-friendly, with special areas for wheel-chairs. We are happy to continue moving forward with our up-grades and fleet modernization in line with our commitment to service excellence,” saad ni LRMC president at chief executive officer Juan Alfonso.

 

 

 

Simula ng hinawakan ang operasyon at management ng LRMC ang LRT 1, tumaas ang dami ng mga trains na available sa mga pasahero ng may higit sa 50 porsiento at bumababa rin ang waiting time. LASACMAR