• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 8:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ikakasal na nga ba sa January at magni-ninang? KRIS, super happy para kay BEA at sa boyfriend na si VINCENT

LAST October 17, nag-celebrate si Bea Alonzo ng kanyang 38th birthday at nagpasalamat ito sa lahat ng bumati sa kanya, kasama ang isang larawan na may hawak na birthday cake at paglilinaw din na hindi siya buntis.
Caption niya, “Thank you for all the birthday love.
“Feeling so grateful for another year of laughter, growth, and the people who keep me grounded.
“And for anyone curious about “the picture” — just caught at a bad angle after an amazing dinner.
“Glowing, not expecting.”
Isa sa mga celebrities na nagbigay ng mensahe ay si Queen of All Media na si Kris Aquino, na super happy siya ngayon para kay Bea at sa boyfriend na si Vincent Co.
Kilala raw ito ng pamangkin niya at posible silang magkita-kita sa January 2026.
Komento ni Kris, “Happy Birthday! My nephew is a close friend of the one you’re getting to know—your greetings reached me—thank you Bey…
“You are as beautiful as ever. Hoping to see you in 3 & a half months.”
Ilang pa sa nakitang naming nag-greet kay Bea ay sina Heart Evangelista, David Licauco, Aga Muchlach, Anne Curtis, Cassy Legaspi, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Yasmien Kurdi, Sarah Lahbati, Mariel Padilla, Rodjun Cruz at marami pang iba.
Anyway, pinusuan ng mga fans ni Bea ang naturang birthday message ni Kris at nagpasalamat dahil solid pa rin ang kanilang friendship. Patuloy nilang ipagdarasal ang paggaling ng tv host/actress.
May nagtanong naman kay Kris kung ano ang ibig sabihin ng “3 1/2 months”, “@krisaquino hi Ms. Kris, glad to know you’re doing well na, always praying for you [praying hands, heart emojis] may i ask kung ano po ang happenings after 31/2 months?”
May nag-speculate tuloy na baka may kasalang magaganap sa Enero at magni-ninang si Kris.
Say ng netizens:
“So, in three and a half months, ikakasal na si Bea?”
“Feeling ko, magiging ninang si Kris.”
“Baka ikakasal yung nephew and magkikita sila doon with bea as the plus one of
thenephew’s close friend.”
“Kahit may sakit si Kris, naalala pa rin niya si Bea. Grabe, sobrang genuine.”
Well, abangan na lang nating sa mga susunod na buwan kung ano nga ba itong ini-reveal ni Kris tungkol sa posibleng pagkikita nila ni Bea.

(ROHN ROMULO)