ICI, hiniling sa DPWH na bawasan ang kontrol ng gov’t engineers’ sa biddings
- Published on October 11, 2025
- by @peoplesbalita
NAIS ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na magtakda ng limitasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kontrol ng mga district at regional engineers sa bidding para sa public infrastructure projects para mapigilan ang korapsyon sa pamamagitan ng pababain ang ceiling ng halaga ng kontrata na maaari nilang aprubahan.
Sa isang liham kay Public Works Secretary Vince Dizon, hiniling ni ICI Chair Andres Reyes sa DPWH na agad na bawasan ang threshold ng mga halaga ng kontrata para sa pagkuha ng civil works ng regional engineering offices na maaaring aprubahan sa P200 milyon mula sa P400 milyon.
Para sa mga district engineering offices, ipinanukala ng ICI na papayagan sila na ‘mag-green-light’ lamang ng hanggang P75 milyon mula P150 milyon sa kanilang bidding plans.
“We urge that this recommendation of this commission be immediately implemented,” ang sinabi ng ICI kay Dizon.
Ayon kay ICI Executive Director Brian Hosaka, ang rekomendasyon ay naglalayon na pigilan ang systemic corruption sa bidding processes sa DPWH.
“The suggestion of the ICI is to halve (the LOAs) so that the procurement for civil works will be controlled,” ang sinabi ni Hosaka.
Dahil sa flood control scandal, sumingaw na idinedeklara ng mga DPWH engineers ang mga proyekto na kumpleto na o tapos na subalit ang mga ito ay nonexistent o substandard.
Ang kasalukuyang threshold para sa LOAs ay ipinatupad sa panahon ng dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, sa pamamagitan ng DPWH Department Order No. 195 nong 2022. ang kautusan ay pinagtibay sa nagtatagumpay na DOs noong 2022 at 2023.
Sinabi ni Bonoan na ang antas ng autoridad na kanyang itinakda ay “ensure the highest efficiency in the implementation of infrastructure projects.”
Pinayagan ng kautusan si Bonoan na i- overrule ang kapangyarihan na kanyang itinalaga sa kanyang mga subordinates, gaya ng district at regional engineer.
“Such authorities may be modified, expanded, or withdrawn by the public works secretary at any time “as public interest so demands,” ayon sa DO No. 195.
Sa kabilang dako, kabilang sa “civil works” items na maaaring pahintulutan ng district at regional engineers ay ang pagkuha ng project management plan, pag-apruba ng budget contract at notice of award.
Sinabi naman ni special adviser to the ICI, Rodolfo Azurin, Jr., na ang site inspections ng mga napunang infrastructure projects ay maaring magpatuloy sa lalong madaling panahon.
Gayunman, sinabi naman ni Azurin, na hanggang sa ngayon ay hindi pa niya matukoy ang partikular na mga proyekto na nais niyang iprayoridad at naghihintay ng rekumendasyon mula kay Dizon.
“We will definitely investigate each and every one [alleged to be involved in anomaly],” ani Azurin nang tanungin kung mayroong “sacred areas” na kanyang poprotekatan mula sa imbestigasyon.
Samantala, maliban kay Azurin, nakipagpulong din si Philippine Competition Commission (PCC) Chair Michael Aguinaldo sa mga opisyal ng ICI para pag-usapan ang mandato ng antitrust body ng gobyerno, na nagsimula ng sarili nitong imbestigasyon sa di umano’y ‘bid rigging’ at manipulasyon ng public works projects. ( Daris Jose)