• April 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibinuking mismo ni Ate Vi…  LUIS at JESSY, nakaplano nang sundan ang anak na si PEANUT

KONTROBERSYAL ang Taal Lake ngayon dahil sa ginawang paghahanap ng ebidensiya sa mga nawawalang sabungero.
Bilang kasalukuyang Gobernador ng Batangas kung saan ang Taal Lake ay hiningi namin ang opinyon ni Gov. Vilma Santos-Recto.
Ayon pa kay Ate Vi wala naman daw lumapit sa kanya or humingi ng opinyon sa kanya.
Ang concern lang daw niya ay ang mga mangingisda ng nakatira malapit sa Bulkang Taal.
Medyo naapektuhan daw ang hanapbuhay ng mga ito.
“At sana di pa natin talaga alam kung totoo ba yung isyung yun.
“Wag naman sana,” sey pa ng gobernadora nang makausap namin sa Peoples Mansion ng Batangas pagkatapos ng kanyang inaugural address.
Happy naman si Ate Vi dahil nakarating halos lahat ng mayors, vice mayors, bukal at ang kanyang vice governor na si Dodo Mandanas sa kanyang inauguration.
Present pa rin ang panganay na anak na si Luis Manzano at very proud na binanggit pa ni Ate Vi sa kanyang speech na tinupad lang ni Luis ang pangakong iikutin pa rin ang buong Batangas para sa kung anumang pangangailangan ng mga Batangueño na gustong iparating ng mga ito sa gobyerno.
Dagdag pa rin ni Ate Vi na sa dalawang shows na gagawin agad ni Luis sa ABS-CBN ay isa lang ang tinanggap ng premyadong TV host para matupad ang pangako nito para sa nga taga Batangas.
Siyempre ang mga malalayong nasasakupan ng probinsiya ng Batangas na hindi kayang mapupuntahan ni Gov. Vi ay may isang Luis Manzano na gaganap.
***
SPEAKING of Luis, ibinuking din ni Ate Vi na nakaplano na raw na sundan nina Luis at Jessy ang anak na si Peanut.
Sey pa ni Ate Vi na next year o sa susunod na taon daw ay malamang magkaroon na ng kapatid ang kanyang apo.
Sayang naman kasi ang magandang lahi ng mag-asawang Luis at Jessy.
Nabanggit din naman ni Ate Vi na kung si Luis ay nag-umpisa na ng kanyang TV show ay may seryeng ginagawa na rin si Jessy.
Samantala from Ate Vi, siya mismo ay nakikipag-meeting for a possible na gagawing project.
Gusto raw niyang gawin ang nasabing proyekto pero sa ngayon daw kasi mas priority pa rin niya ang pagiging gobernador ng probinsiya ng Batangas.
Pero nangako naman si Ate Vi para sa kanyang mga mahal na Vilmanians na sa three year term niya as governor ay baka maisingit niya at makagawa ng kahit isang pelikula man lang.
Nilinaw naman agad ni Ate Vi na ang kasalukuyang pinag-aralan niyang gagawing proyekto ay hindi raw yun kay Coco Martin.
May offer din daw naman si Coco sa kanya years back at very much interesado rin naman si Ate Vi na makasama si Coco sa isang project.
(JIMI C. ESCALA)