• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibinahagi rin ang istorya sa likod ng ‘Nutribun’… Senator IMEE, ginunita ang 105th birth anniversary ng kanyang ama

IPINAGDIWANG at ginunita ni Senator Imee Marcos noong September 11 ang 105th birthday ng ama at dating Pangulo na si Ferdinand E. Marcos sa dalawang bagong vlog entries na eere sa kanyang opisyal na YouTube Channel ngayong weekend.

 

 

Ngayong Setyembre 16, ibabahagi ni Imee ang mga eksklusibong video clips ng katatapos lamang na kanyang pagbisita sa Sarrat Central School – na paaralan ng dating Pangulo.

 

 

Dito, binisita niya ang dating classroom ng ama habang nakipagkuwentuhan ito sa pinsan ng Pangulo na si Mary Ann Abad na nagbigay ng mga istorya sa pagiging estudyante ni Pangulong Marcos at pati na rin ang sikta na istorya ng ‘Langgam’.

 

 

Pumunta rin ang Senadora sa lumang tahanan ng mga Marcos sa Ilocos Norte na mayroong istatwa ng batang Ferdinand Marcos na nagsusulat sa isang lamesa.

 

 

Tinapos ni Sen. Imee ang kanyang pagbisita sa Malacañang of the
North kung saan makikita ang iba’t-ibang memorabilia ng mga Marcos.

 

 

Ang vlog naman sa Setyembre 17 ay magpapakita ng pagbisita ni Sen. Imee sa Tanay, Rizal para sa opisyal na launching ng Nutribun – na may bago at mas pinasarap na bersyon ng tinapay na nagbigay ng nutrisyon sa batang estudyante nuong 70s at early 80s.

 

 

Ibinahagi ng Senadora ang istorya sa likod ng Nutribun habang inlunsad din nito ang Nutribus – na isang food bus na iikutin ang buong bansa habang namimigay ng libre at masustansyang pagkain.

 

 

Inilunsad din ang Nutribun sa Ilocos Norte at Concolacion, Cebu.

 

 

Maging bahagi ng pinakabagong adventures ni Senator Imee, mula Ilocos hanggang sa Tanay, Rizal, at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

 

(ROHN ROMULO)