Ibinahagi ang challenging weight loss journey: CARLA, inaming may insecurity sa kanyang timbang
- Published on September 27, 2024
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Carla Abellana na may insecurity siya sa kanyang timbang. Noong nagsisimula raw siya sa showbiz, lagi siyang concern sa paglaki ng katawan niya.
“I see photos of other people who are so fit and I can’t help but feel insecure. I also wish weight would work like magic, but no… There really is no shortcut,” sey ng ‘Widows’ War’ star.
Sa dalawang magkasunod na posts sa Instagram, seryosong ibinahagi ni Carla ang tungkol sa kanyang challenging na weight loss journey. Sanhi nga raw ito ng pagkakaroon niya ng hyperthyroidism for five years.
Pero nakahanap daw si Carla ng diet plan na epektibo sa pagbawas niya ng timbang. 18lbs na raw ang nawala sa kanyang timbang.
***
ANG Japanese language coach ng teleserye na Pulang Araw na si Ryoichi “Ryo” Rivera Nagatsuka ay isa ring promising singer at actor din.
Miyembro ang 26-year old Fil-Japanese ng Japanese music trio na SkyGarden. Na-release last year ang album nila under AltG records na sub-label ng GMA Music.
Nakapagtapos ng economics si Ryo sa Nanzan University in Nagoya Japan. Nakapag-aral din siya sa Ateneo De Manila University.
Nagtrabaho si Ryo ng dalawang taon sa isang Japanese company bago siya nagdesisyong i-pursue ang pagpasok sa showbiz sa Pilipinas.
Bukod sa pagiging language coach niya kina Dennis Trillo at David Licauco, gumaganap din siyang Japanese immigrant sa Pulang Araw.
***
PATULOY talaga ang pamamayagpag ng GMA Public Affairs sa iba’t ibang platforms, kasama na online! Batay sa Tubular Labs, ito ang No. 1 online news video publisher sa Pilipinas mula January hanggang August 2024.
Noong July, ang GMA Public Affairs din ang most-watched news publisher globally sa Facebook. Pumangatlo naman ito worldwide sa kategoryang News and Politics sa parehong YouTube at Facebook.
Hindi talaga maikakailang patuloy na tinatangkilik ng sambayanan ang mga top-rating at award-winning programs ng GMA Public Affairs gaya ng KMJS, I-Witness, Wish Ko Lang, Tadhana, at Biyahe ni Drew. Tunay nga namang basta Tatak Public Affairs, Tatak World-Class!
(RUEL J. MENDOZA)