Iba’t ibang grupo naghain ng impeachment complaint laban kay PBMM sa Kamara
- Published on January 21, 2026
- by @peoplesbalita
NAGHAIN kahapon, Huwebes (Enero 22) sa Kamara ang iba’it ibang grupo ng impeachment complaint laban kay Presidente Bongbong Marcos.
Sa isang statement, sinabi ni
Renato Reyes, Jr, Bayan President, na ang ihahain na verified impeachment complaint laban sa Pangulo dahil sa betrayal of public trust.
Ito ay based sa umano’y systematic at large-scale plunder of public funds sa pamamagitan ng sistematikong presidential at congressional “allocations” para sa mga pet-projects sa national budget, abuse of unprogrammed appropriations para pondohan ang mas maanomalya umanong infrastructure projects, at sistema ng kickbacks, SOP’s at “commitments” mula sa naturang mga projects, para sa Presidente at idinaan sa kanyang mga top officials.
Ang sistema ng “allocables” at unprogrammed appropriations ay nanantili umano hanggang sa ngayon.
Hindi rin inimbestigahan ang SOPs at kickbacks na kinakasangkutan umano ng matataas na opisyal ng administration.
“These only demonstrate the President’s complicity in corruption. Lahat ng sangkot ay dapat managot, simula sa tuktok,” nakasaad sa statement.
Dagdag pa, ang mga complainants ay taxpayers, workers, farmers, students, teachers, urban poor, professionals at anti-corruption advocates.
Ang mga endorsers ay kinabibilangan ng tatlong Makabayan representatives sa Kamara.
Umaasa naman ang mga ito na maita-transmit ang verified complaint sa Speaker at maisama sa order of business, at hindi maisantabi bilang pabor sa sinasabi ng iba sa unang inihaing complaint para proteksyunan umano ang Presidente. (Vina de Guzman)