• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, bukas sa mungkahing gawin ng 80 to 100% ang mga manggagawang nasa isang workplace

BUKAS ang Inter-Agency Task Force sa naging panukala ni Presidential Adviser Joey Concepcion na dagdagan na ang capacity sa mga work place.

 

Ito’y kapag 80% porsiyento na ng isang establisimyento ang nabigyan na ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang natatalakay na ganitong usapin sa IATF pero tiyak na maikukunsidera ito.

 

Kaugnay nito’y makabubuting sumulat din ayon kay Sec. Roque si Concepcion ng pormal na liham sa IATF para sa posibilidad na mai-adopt ang naturang panukala.

 

Sa kasalukuyan, sinabi ni Sec. Roque na wala pa naman siyang nalalamang establisimyento na may bakunado ng mga empleyado nilang nasa 80%.

 

“Wala pang napag-uusapan na ganyan sa IATF. Pero kung talagang umabot tayo doon sa sinasabi ni PA Joey Concepcion na 80% na ang nabakunahan sa isang business establishment, I am sure the IATF will consider this in due course,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Hindi ko lang po alam kung mayroon ng mga 80% vaccinated employees in any establishment. But needless to say, all that PA Concepcion has to do is to write a formal letter to the IATF to consider adopting this rule, at pakikinggan naman po iyan,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)