• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HVI na tulak nadakma sa Valenzuela drug bust

ISANG umano’y tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang natimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela police si P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas ‘Dante Lalog’, 38, ng TaƱada Subd., Brgy. Gen T De Leon.

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cayaban na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na patuloy pa rin umano ang suspek sa kanyang ng ilegal drug activities kaya ikinasa nila ang buy bust operation kontra sa kanya.

 

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-5:00 ng hapon sa Karen Avenue, beside THOA bastketball Court, Brgy. Gen. T De Leon.

 

 

 

Ani PMSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P34,000 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 10-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

 

Sa record ng SDEU, dati ng naaresto ang suspek dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga subalit, nang makalabas ay muli naman umanong nagbenta ng shabu.

 

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)