• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HVI drug suspect tiklo ng DDEU sa buy bust sa Caloocan, P7.8M droga, nasabat

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P7.8 milyong halaga ng shabu sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt. Col. Robert Sales sang naarestong suspek na si alyas “Marlon”, 39, construction worker.

 

 

Ayon kay Lt Col. Sales, dakong alas-9:48 ng Sabado ng gabi nang maaresto ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora ang suspek sa kanyang bahay sa Reparo Road, Brgy. 161 ng lungsod.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 1,150 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7,820,000, buy bust money na isang P500 bill, isang P1,000 bill at 31-pirasong P1,000 boodle money, weighing scale, at gold plastic na may unidenfied Thailand character.

 

 

Sinabi ni Capt. Pobadora na bago ang pagkakaaresto nila sa suspek ay nakatanggap na sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities nito kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaresto sa suspek matapos umanong bintahan ng P32,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

 

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang DDEU sa kanilang matagumay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na mahaharap kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang inaalam pa ng pulisya kung sino ang pinagkukunan niya ng naturang droga. (Richard Mesa)